Maikling Kwento
Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o kuwento ng bayan. Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan - ito ay karaniwang pagkukuwento na ang ginagamit na pamamaraan ng pagsasalita ay tulad sa natural na pang-araw-araw na pag-uusap- usap. Ang ilan sa mga unang anyo nito ay:
1. Mito - karaniwang tungkol sa mga diyos at diyosa, bathala o mga anito. Tumutungkol din ito sa kanilang mga paglalang tulad sa kalikasan, sa mundo at sa mga unang tao.
2. Alamat - mga kuwentong-bayan ng pinagmulan o simula ng mga bagay-bagay.
3. Pabula - unang napatanyag sa Gresya at si Aesop ang tinaguriang "Ama" dahil sa napabantog nitong aklat, ang "Aesop's Fable". Ito ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitang parang tao at ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa.
Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay:
1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa.
2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan.
Deogracias A. Rosario - tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento".
Sa panahon ng Hapon, ang maikling kuwento ay nailimbag sa gintong pahina ng Panitikang Pilipino dahil pinairal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang pambansa bilang medium sa pagsulat. Sa panahong ito:
a. sumigasig at dumami ang mga manunulat
b. sumigla at tumaas ang sangay na ito ng panitikan
c. naging matimpi sa pagtalakay ng paksa
d. madula ngunit di-maligoy
e. nag-ala-dagling muli ang kawalan ng mga ito ng banghay
f. nagkaroon ng iba't ibang paraan ng pagkukuwento
g. ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napansin
- Ito ngayon ang tinatawag na kontemporaryong maikling kuwento.
Impeng Negro
ni Rogelio Sikat
“Baka makikipag-away ka na naman,” tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.
“Hindi ho,” paungol niyang tugon.
“Hindi ho...” Ginagad siya ng kanyang ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi ka ngang mababasag-ulo.”
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Pulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na naa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at maghilamos.
“Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,” narinig niyang bilin ng ina. “Wala nang gatas si Boy. Eto’ng pambili.”
Tumindig na siya. Nanghihimad at naghihikab na itinaas ang mahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangan na siyang lumakad. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.
Umiingit ang sahig ng kanilang barung-barong nang siya’y pumasok.
“Nariyan sa kahon ang kamiseta mo.”
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.
“Mam’ya, baka umuwi ka na namang... basag ang mukha.”
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumusunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama’y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang damit nila nina Kano, Boyet, at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.
“Yan na’ng isuot mo.” Parang nahulaan ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo’y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsek-beho kapag suot iyon ngunit wala naman iyang maraming kamietang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kita niya sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya’y lumabas, paan na niya ang kargahan. Tuloy-tuloy niyang tinungo ang hagdan.
“Si Ogor, Impen,” pahabol na bilin ng kanyang ina. “Huwag mo nang pansinin.”
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikioagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon iyon; basagulero. Lagi niyang iinasaisip ang mga bilin nito ngunit adya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag narinig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng panunukso.
“Ang itim mo, Impen,” itutukso nito.
“Kapatid mo ba si Kano?” isasabad sa mga nasa gripo.
“Sino bang talaga ang tatay mo?”
“Sino pa,” isisingit I Ogor, “di si Dikyam.”
Sasambulat na ang tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo.
“E, ano kung maitim?” isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon : “Tingnan mo’ng buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo’ng ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso. Namamalirong!”
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinabi sa sarili. Negro nga siya. E, ano kung Negro? Ngunit napipikit siya. Ang tatay niya’y isang sundalong Negro na nang maging anak siya’y biglang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang inabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?)
“ari-sari ang nagiging kapatid ni Negro,” sinabi ni Ogor. “Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!”
Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barung-barong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At iya ang napagtuunan ng sari-saring panunukso.
Natatandaan niya angmga panunuksong iyon. At mula noon, nagsisimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati’y binhi lamang ng isang paghihimagsik, nagsuumigaw na panghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton ang mababatong daan, patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barung-barong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi, nababasa niyang isinisigaw ng mga paslit, Negro!
Napatungo na lamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula’t mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailan man binigyan ng pagkakataongmaging kaibigan.
Halos kasinggulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos, hindi yumuyuko kahit may pang balde ng tubig, tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis ang pagkakawit ng mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana’y huwag siyang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. At may isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang lugar. AT bihira ang may poso.
Tanghali na akong makauuwi nito nausal niya habang binibilang niya sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwang ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila’y nasa labas pa niyon.
Di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya agwa ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit, at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay. May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay natutok agad ang kanyang paningin kay Ogor. Pinilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti na rin iyon kahit nakabilad a araw. Pasasaan ba’t di iikli rin ang pila, nasaisip niya. Makakasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang sigaw mula sa tindahan :
“Hoy, Negro, sumilong ka baka pumuti!”
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman.
“Negro,” muli niyang narinig, “sumilong ka sabi, e baka ka masunog!”
Malakas ang narinig niyang tawanan. Ngunit hindi pa rin siya lumingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod sa balde, ngunit ang isip niya ay ang bilin ng ina, na huwag na raw niyang papansinin si Ogor. Bakit ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umuusad ang pila, nararamdaman niya lalo ang init ng araw. Sa paligid ng balde, nakikita niya ang kanayng anino. Tumingala siya ngunit siya’y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang batok at sa ibabaw ng kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan at isinawak ang kamay sa nalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisg. May nadama siyang ginhawa. Ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang batok at balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balat.
“Negro!” Napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. “Huwag ka nang magbilad. D’on ka sa lamig.”
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakitang ngingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntunghininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakes, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik…
May galak na sumuusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya.
Makakasahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. Pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.
Datapuwa’t, pagkaalis ng balding hinihintay niyang mapuno, at isasahod na lamang ang a kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. SI Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatdan nito ng tubig.
“Gutom na ako! Negro,” sabi ni Ogor, “Ako muna.”
Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo. Natingnan lamang niya si22 Ogor. Iginitgit ni Ogor ang balde at kumalantog ang kanilang mga balde.
Iginitgit niya ang kanyang balde bahagya nga lamang at takot siya sa paggitgit. Kadarating mo pa lamang, Ogor nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a.
“Ako muna sabi, e.” giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde. Nakatingin pa rin si Ogor. Itinaob niya ang kakaunting nasahod ng balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabot sa mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.
“Ano pa bang ibinubulong mo?”
Hindi na niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa madulas na semento, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi.
Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa… Mapula… Dugo!
Nanghihlakbot siya. Sa loob ng ilang saglit hindi na niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
O…gor … O …gor” Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. “Ogor!” sa wakes ay naisigaw niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagkakasigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng balding lalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga pang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. Nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakakaakma ang mga bisig.
“Ogor”
Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak siyang gumulong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha’y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanayng mga mata nang siya’y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.
Si… Ogor. Sa mula’t mula pa’t itinuturing na siya nitong kaaway. Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Bakit? Bakit?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw, sunod-sunod niya Dagok, dagok, dagok, dagok, dagok, dagok… pahalipaw… papaluka…papatay.
Sa pook na iyon, sa nakakarimarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak . At siya, isang maitim, hamak na Negro… Papatayin niya si Ogor… papatayin. Papatayin.
Dagok. Dagok, dagok… Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok, Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya sa araw. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa ngunit wala siyang nararamdamang sakit!
Nakakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano… si Boyet… Si Diding… at siya… Negro, Negro, Negro!
Sa mga dagok ni Ogor tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos- lakas at nag-uumuti siyang umigtad. Dagok, dagok, bayo, bayo, dagok, bao… kahit saan. Sa mukha.. Dagok, dagok, dagok, dagok…
Mahinana si Ogor. Lupaypay na. Nalaglag na ang nagsasangang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo…
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.
“Impen…”
Muli niyang itinaas ang amay. Dagok.
“I-mpen…” halos hindi na niya naririnig ang halinghing ni gor. “I-mpen, suko n-na…a-ako…s-suko na na … a-ako!”
Naibaba niya ang nakataas na kama. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya. Abut-abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likd. May basa ng dugo’t lupa ang kanyang nguso.
Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Walang nakakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga it. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mga mata ngunitmay galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagud niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay, ang tatag… ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw. Tila siya isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Panimula: layunin ng bahaging ito na pukawin ang interes ng mga mambabasana tapusin ang akda.
Saglit na Kasiglahan: sa bahaging ito matatagpuan ang pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari o flashback.
Paglalahad ng Suliranin: sa bahaging ito magsisimula ang balakid nv pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga pangyayari sa akda.
Tunggalian: kapana-panabik na bahagi ng akda. masasaksihan sa bahaging ito ang pakikipagalaban ng pangunahing tauhan sa sukiranin ng kwento.
Kasukdulan: pinakamasidhing bahagi ng akda. Matatagpuan sa bahaging ito abg kalutasan sa suliranin ng pangunahing tauhan.
Wakas/Kakalasan: ang katapusan ng akda.

Elemento ng Maikling Kwento
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
May siyam na uri ng maikling kuwento:
- 1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
- 2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
- 3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
- 4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
- 5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
- 6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
- 7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
- 8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
- 9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
GABAY SA PAGTUTURO 10
ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGBASA SA IKALAWANG
TAON
I.
LAYUNIN
Mailahad ang kwentongn
“Impeng Negro” ,ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ay inaasahang:
1.
Naiaantas ang magkasingkahulugan salita mula sa
pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim;
2.
Nakabubuo ng story grammar ng kuwento matapos itong
basahin;
3.
Nasasagot ng may buong pag-unawa ang mga tanong
hinggil sa kwentong binasa;
4.
Naisasaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang
mabuo ang buod ng kwentong binasa:
5.
Nakapagmamalas ng sariling saloobin sa mga pangyayari sa kwento.
I.
PAKSANG ARALIN
A.
Kasanayan: Pagbubuod sa Kwentong Binasa
B.
Kwento/Lunsaran: “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat
C.
Sanggunian: Pluma II
D.
Mga Kagamitan: larawan, tsart
E.
Mga Estratehiya: Story Grammar, Pangkatang Gawain,
Paglalarawan
II.
Pamamaraan

What are the best slot machines to play in 2021? - KLHP
ReplyDeleteSlots can easily be played on the go, but a few 김포 출장안마 machines still have 과천 출장안마 the potential to become 창원 출장샵 more accessible with the introduction of 밀양 출장샵 new 춘천 출장안마 technology.