Posts

Showing posts from September, 2017

Maikling Kwento

Image
                   Kasaysayan ng Maikling Kuwento Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan.  Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o kuwento ng bayan.  Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan - ito ay karaniwang pagkukuwento na ang ginagamit na pamamaraan ng pagsasalita ay tulad sa natural na pang-araw-araw na pag-uusap- usap.  Ang ilan sa mga unang anyo nito ay: 1. Mito - karaniwang tungkol sa mga diyos at diyosa, bathala o mga anito.  Tumutungkol din ito sa kanilang mga paglalang tulad sa kalikasan, sa mundo at sa mga unang tao. 2. Alamat - mga kuwentong-bayan ng pinagmulan o simula ng mga bagay-bagay. 3. Pabula - unang napatanyag sa Gresya at si Aesop ang tinaguriang "Ama" dahil sa napabantog nitong aklat, ang "Aesop's Fable".  Ito ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitang parang tao at ang layon ay makapagturo ng aral sa bu